The 2020 College/Senior High School Entrance Review schedules are now posted! RESERVE YOUR SLOT UNTIL FEBRUARY 20, 2020 FOR EARLY-BIRD DISCOUNTS!

Sabi nila mahirap daw ang UPCAT, sabi ko naman... (Essay Entry #7)

Sabi nila mahirap daw ang UPCAT, sabi ko naman... 

by Katrina Dumagas

 

 

Isa lang naman ako sa libo libong kabataan na naghahangad na matawag na Isko o Iska ng Bayan. Isa lang naman ako sa dinadami dami na nagdadasal at minimithi na sana ay mapasa at makapasok ako sa prestihiyosong paaralan na ito. Isa lang naman akong tulad mo.

Teka, eh papaano nga ba ako makakapasok dito? Alam kong kulang ang paghingi ng tulong sa bawat santong kilala ko o paghiling sa bawat bituing makikita ko tuwing gabi, ika nga nila “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Alam ko na sa simula’t sapul pa lamang eh kaylangan ko ng masinsinang pagaaral. Oo masinsinan. Kaya naman e agad agad akong naghanap ng mga paraan, ng mga stratehiya at kung ano ano pa para maipasa ang pagsusulit. Mahirap na, at isang beses lang ito. It’s now or never at all or nothing nga kumbaga. Sa tulong naman ng Google at mga forums sa internet napadpad ako sa Academic Clinic.

Nakakatuwa, para bang nakajackpot ako sa lotto nung mahanap ko ang website na ito. Dali dali kong sinubukan ang mga sample tests nila para sa UPCAT. Oo lahat ng iyon sinubukan ko. Natatawa nga ko sa mga resulta at puro bagsakin. Dinugo ang ilong ko at napiga ang utak ko sa bawat pagsusulit na sinubukan ko.

Hala, e papaano ako papasa nito? Dito ko nadiskubre kung ano ang “Review Centers”. Dalian naman ako nagsearch doon at nagsearch dito kung anong Review Center ang pinakapatok sa mga nakapasa sa UPCAT. Nahanap ko nga ang Brain Train. Hindi na ko nagdalawang isip pa, agad kong pinaalam sa nanay ko na magrereview ako sa summer para makapasa ng UPCAT. Suportado naman sya sa desisyon ko. Tutal ay maaga pa, nagawa naming pagipunan ito.

O edi enrolled na ko at may Master Plan na ko, ang masinsinang pagrereview, eh syempre dapat ay gagawin ko ito. Para san pa ang plano kung hindi naman ito gagawin, hindi ba? 

Sabi nila mahirap daw ang UPCAT, sabi ko naman hindi naman siguro ‘to magiging mahirap kung nagplano sila. Kung pinaghandaan nila. Diba? Eh baka naman kasi may baril nga sila, wala namang bala. Yung may bala naman, baka shinotgun lang. Eh malamang sa malamang, hindi bubull’s eye yun. 

Kaya naman sa nalalabing apat na buwan bago ang pagsusulit, sasagad-sagarin ko na ang pagaaral. Makakaya ko ‘to. Magiging isang Iska ako.

 

***********************************

Do you also want to join this essay writing contest to avail FREE UPCAT Review from Brain Train?  Read more about it HERE.