The 2020 College/Senior High School Entrance Review schedules are now posted! RESERVE YOUR SLOT UNTIL FEBRUARY 20, 2020 FOR EARLY-BIRD DISCOUNTS!

All by myself o we’re all in this together? Ano kaya? (Essay Entry #11)

 

All by myself o we’re all in this together? Ano kaya?

by Rhencis Ann Recana 

 

Noong-noon pa:

Nang wala pa akong plano para sa College…

Classmate:  Saan ka magrereview para sa UPCAT?

Ako: Di ko pa alam e.

Pero sa totoo lang iba ang nilalaman ng isip ko, pinipigilan ko lang sabihin kasi sigurado aabangan nila ako sa kanto. Eto kasi talaga ang gusto kong sabihin:

“Bakit ba ang daming estudyanteng gagawin ang lahat makapasok lang sa UP? Yung mga tipong magpapakamatay sa pagrereview, gagastos ng napakalaki sa mga review center at minsan yung iba, kinukuha yung kursong hindi naman talaga nila gusto, makapasok lang sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang dami-dami namang unibersidad sa Pilipinas na mas tiyak na babagay sa kursong gusto nilang kunin, pero ayun, matitigas ang ulo, pinagsisiksikan ang sarili sa UP. Yung mga hopeless naman ay ng umaarte na end of the world na pag nalaman na hindi siya nakapasa sa UP. Sino bang bulag, ako o yung mga die-hard fan ng UP? “

 

 

 

Noon:

          Nang matauhan na ako at marealize ang kahalagahan ng UPCAT…

Grumaduate akong salutatorian nung elementary at ngayong high school ay nasa isang paaralang pang-agham ako. Kaya kahit papaano, masasabi kong may chance akong makapasa sa UP. Oo, magte-take ako ng UPCAT, magrereview din ako, pero all by myself may credentials daw kasi yun eh. pero last choice ko ang UP. Bakit? Una sa lahat, ayaw ng nanay ko kasi may tendency dawn a maging raliyista ako dahil ipinaglalaban kolagi ang sa tingin kong tama at sa ngayon, ang daming nangyayaring kahindik-hindik sa mga UP campus kaya baka mag-alala lang daw siya sa akin araw-araw. Pangalawa, marami pang school ang mas angat pagdating sa engineering courses. Computer engineering kasi ang balak kong kunin since member ako ng robotics club ng school namin. Pero baka medicine rin ang kunin ko kasi yun ang gusto ng nanay ko. Pangatlo, nakatali ka sa Pilipinas for 2 years kapag naging iskolar ka ng bayan. Hindi naman kami mayaman, kaya umaasa rin ako sa mga scholarship grant. Ang daming universities ang willing magbigay ng scholarship, bukod sa wala ka ng tuition fee na babayaran ay meron ka pang napakalaking allowance.  Panghuli, gusto ko ng adventure. Hindi naman sa sinasabi kong walang adventure sa UP. May iba pa kasing lugar ang mas may adventure at challenge kaysa UP. Tulad na lang ng MAAP o kaya naman ang pag-aaral sa dayuhang bansa. Bata pa lang gusto ko na mag-aral sa ibang bansa. Challenging yun kasi ibang-iba sa kinagisnan kong paqmumuha. Iba rin ang klase ng tao dun

Kasalukuyan:

          Nang malaman na may mga review center pala…

          Sige mag-eenroll na ako. Kaso lang nung time ng deadline, wala pa akong pambayad. Ang dami ko kasing gastusin that time. Kaya “all by myself” pa rin ang drama ko.

Mga 8 pm ng April 14:

          Nang malaman ko na may essay-writng contest pala…

            Nagkukumahog akong gumawa ng essay. Hopefully matutulungan ako ng Brain Train at maging “We’re all in this together” ang drama ko.

           

Sa Hinaharap:

          Kung mananalo ako sa essay-writing contest na ito..

          Magrereview ako sa Brain Train. Kalahati ng kaclassmate ko dito nagrereview.. hopefully makasama ako sa kanila…

          Pero sa huli, manalo man ako o hindi, makapasa man ako sa UPCAT o hindi, iisa lang ang sigurado ko, lahat ng nangyayari at mangyayari ay ginusto ng Panginoon. Kaya gagawin ko na lang ang lahat sa araw na iyon at ang Diyos na ang bahala…

***********************************

Do you also want to join this essay writing contest to avail FREE UPCAT Review from Brain Train?  Read more about it HERE.